Filipino
Putserong Manok
Ingredients
1 buong manok 1 ulong bawang 6 na saging na saba 1/2 kutsaritsng asin 8 kutsaritang mantika 2 patatas pag-apatin 1 sibuyas 1/2 tasang nilagang garbansos 5 hinog na kamatis 1/2 kilong baka 1 maliit na ulong repolyo 2 hiwang hamon o bacon (tocino) 2 tsoriso
Instructions
1. Tilarin ang malinis na manok at hiwa-hiwain din ang iba pang karne na kasama sa lutuin. 2. Ilaga ang mga karne hanggang lumambot kasama na ang hamon at tsoriso. 3. Timplahan ng asin. Hanguin at ilagay sa kaserola. Sa sabaw ding ito, ilaga ang repolyo at patatas. Ilaga ng hiwalay ang mga saging. 4. Igisa ang bawang,sibuyas,kamatis sa mantika. Ihalo ang manok at iba pang karne. 5. Lagyan ng katamtamang sabaw (para makagawa ng malapot na sarsa. 6. Tikman. Timplahan ng ayon sa panlasa. Ihalo ang garbansos. Ang sarsa naman ay binubuo ng limang maliliit na talong,2 ulong ng bawang,asin,paminta,at suka. Ang paggawa ay iihaw ang mga talong, talupan at pagkaraan ay masahin. 7. Tadtarin ng pino ang bawang. Ihalo sa minasang talong. Isalin ang suka. Timplahan ng asin at paminta.