Puto Bumbong

Ingredients

1 tasang bigas na malagkit
6 na kutsarang pirurutong
4 na tasang tubig
kinudkod na niyog
mantikilya
asukal

Instructions

Hugasan ang malagkit at pirurutong at pagkatapos ay ibabad sa tubig nang 3-4 na oras. Gilingin hanggang pino. Patuyuin sa colander na sinapinan ng katsa. Kapag tuyo na ay salain. Para madaling matanggal ang puto,lbabad amg mga bumbong sa mantika at budburan ng ginagad na niyog. Ihanda ang pasingawan ng putobumbong. Punuin ng 3/4 ang bumbong. Isalang hanggang makuto. Taktakin ang bunbong para lunabas ang puto. Pahiran ng mantikilya at paibabawan ng niyog at asukal.