Tausi Chicken Feet

Ingredients

1 kilong paa ng manok,nilinis
kaunting kahel o dilaw na food color
mantikang pamprito
1 kutsarang dinikdik na bawang
1 kutsarang tinadtad na luya
3 kutsarang tausi,dinurog 
2 kutsarang toyo
2 pirasong siling labuyp,hiniwa
2 tasang tubig
1 bahagi ng sanque
1 kutsarangt sesame oil

Instructions

Hatiing pahilis ang mga paa ng manok. Ilagay sa mangkok at haluan ng kaunting food color. Itabi pansamantala. magpainit ng mantika sa kawali. Iprito ang mga paa ng manok hanggang lumutong. Patuluin. Bawasan ang mantika. Sa natitirang mantika igisa ang bawang,luya,tausi,toyo at siling labuyo. Idadag ang tubig at sanque. Hayang kumulo-kulo ng 5- minuto. Idadag ang paa ng manok at sesame oil. Takpan ang kawali at lutuin hanggang lumambot ang manok at lumapot ang sarsa. Maaari rin itong pasingawan sa syeamer hanggang lumambot.